top of page
  • Facebook

The 11th Sangguniang Bayan

2022-2025

11th SB.jpg
Kons Aubrhie.jpg

Coun. Aubrhie Cindyrelle Carpio

Municipal Councilor

Si Aubrhie Cindyrelle Carpio ay pinanganak at lumaki sa Dulo, Sta. Ana, Bulakan. Apo ng yumaong Punong Brgy. Kap Ody Carpio. Siya ay nahalal bilang Konsehal ng Bayan at ngayon ay kabilang sa 11th Sangguniang Bayan ng Bulakan. Kinatawan n'ya ang Bayan ng Bulakan sa Provincial Pageant at naiuwi ang Korona sa Bulakan bilang Reyna ng Singkaban 2019. SIya din and kinatawan ng Lalawigan sa Eat Bulaga's Miss Millenial Philippines. Siya ay Gawad Hen. Gregorio Del Pilar 2019 Awardee. Ang isinulat n'yang tula na pinamagatang "Ang Mahal kong Bayan ng Bulakan" ay nai-feature ni Loren Legarda sa ABS-CBN News Channel's "Dayaw".

Coun. Marbin J. Garcia

Municipal Councilor

Si Konsehal Marbin Garcia ay isang taal na Bulakeño, isinilang at lumaki sa Barangay Maysantol Bulakan, Bulacan. Siya ay bunsong anak nina Gng. Corazon De Jesus at ng yumaong G. Reynaldo Garcia ng Barangay Maysantol. Si Konsehal Marbin ay nagtapos ng pag-aaral ng elementaryang lebel sa Paaralang Pang-alala kay Marcelo H. Del Pilar na matatagpuan sa San Nicolas Bulakan, Bulacan. Ipinagpatuloy niya ang kaniyang pag-aaral ng sekondaryang lebel sa Meycauayan College na matatagpuan sa Meycauayan Bulacan. Gustuhin man ni Konsehal Marbin na makatapos ng kolehiyo subalit sa hirap ng buhay ay pinili niyang mag trabaho upang makatulong sa pangangailangan ng kaniyang pamilya.

 

Payak na pamumuhay ang kinagisnan ni Konsehal Marbin, katulad ng ilang kabataan ay kumayod siya upang makaraos sa pang-araw-araw niyang buhay. Bagamat hindi pinanganak na may pilak sa bibig ay hindi siya sumuko sa kaniyang mga pangarap. Unti-unti ay nagsumikap siya at hindi napagod na magpursigi para sa kaniyang pamilya at para sa kaniyang sarili. Mula sa maliit na halagang naipon mula sa pangangamuhan ay sumugal siya sa pagtatag ng kaniyang maliit na negosyo na kahit papaano ay nagpabago ng kaniyang buhay at ng buhay rin ng iba pang Bulakeño na nangangailangan ng trabaho. Itinayo niya ang Marbin Garcia Collections noong ika-9 ng Enero taong 2008, sa kasalukuyan ay labimpitong taon (17) na ang pagkakatatag nito na siyang naging sandigan ng kaniyang pamumuhay bilang isang mamamayan ng bayan ng Bulakan. Dahil sa kaniyang pakikibaka sa buhay ay naging kilala siyang designer at napiling maging designer ng Miss World, Miss Global Philippines, Miss Universe Philippines, at wardrobe provider ng iba’t ibang sikat na personalidad. Nag-uwi rin siya ng iba’t ibang klase ng parangal sa larangang napili katulad ng Bulacan Best Designer Awardee, Best Designer of AFACE Fashion Design Exhibition sa Shin-Tiu Taiwan, at marami pang iba. Dahil na rin sa tyaga at talentong ipinagkaloob kay Konsehal Marbin mula sa Panginoon ay nagabayan at naiuwi ng Bayan ng Bulakan ang apat na korona ng Singkaban Festival nang sunod-sunod na taon.

 

Tunay na hindi matatawaran ang kaniyang dedikasyon sa buhay. Sa bawat pag-abot ng kaniyang pangarap ay sinigurado ni Konsehal Marbin na ang lahat ng biyayang kaniyang natatanggap mula sa Poong Maykapal ay ibabahagi rin niya sa kanya kapwa - lalo na sa mga Bulakeño. Dahil sa tawag ng serbisyo ay pumasok si Konsehal Marbin sa mundo ng pulitika, siya ay naging Barangay Kagawad ng Barangay Maysantol mula sa taong 2013-2022. Naglingkod siya nang buong puso sa barangay kaya naman hindi kaduda-dudang siya ang Number 1 Councilor noong taong 2013. Dahil sa kaniyang potensiyal sa serbisyong publiko ay nahalal naman siya bilang Konsehal ng Bayan ng Bulakan taong 2022. Mula noong niluklok ng taong bayan si Konsehal Marbin bilang Konsehal ng Bayan ay hindi niya hinayaang masayang ang bawat botong ipinagkatiwala ng mga Bulakeño. Kaya naman mula noon hanggang ngayon ay patuloy ang serbisyo na kaniyang ibinibigay para sa publiko, hindi lamang sa usaping lehislatibo kung hindi maging sa aspeto ng paglubog sa masang Bulakeño. Ilan sa mga personal na proyekto na naisakatuparan ni Konsehal Marbin ay ang taunang pagbibigay ng mga bag, school supplies, at financial assistance sa mga mag-aaral ng mga paaralan sa bayan ng Bulakan. Sa kaniya ring isinakatuparan ang pagtulong sa mga Bulakeño sa pagpapagawa ng ilang pathway at pagsasaayos ng ilang bisitang pandalanginan sa iba’t ibang barangay. Nagpamigay rin siya ng mga solar lights at ilan pang mga pangangailangan ng mga Bulakeño. Higit sa lahat, si Konsehal Marbin ay katuwang sa pagtaguyod ng Turismo sa ating bayan katulad ng pagiging patnugot ng disenyo ng Plaza Del Pilar kung Pasko at  pagpapatupad ng ordinansang makapagpepreserba ng ating kinagisnan.

 

Tunay ngang  walang imposible sa taong nagsisikap at nagtatanim para sa ikabubuti ng sarili at ng bayan. Marami ng itinanim at marami pang itatanim para sa bayan. Mula noon hanggang ngayon, patuloy ang Garantisadong Maaasahang serbisyong handog ni Konsehal Marbin Garcia sa bayan ng Bulakan.

Kons Aina Pagsibigan.jpg

Coun. Atty. Ana Marie "Aina" V. Pagsibigan

Municipal Councilor

Mula sa lahi ng Almario-Villegas ng Bayan ng Bulakan at Esguerra-Pagsibigan ng Bayan ng Bocaue at Bayan ng San Miguel, masasabing ang pagtahak sa buhay ni Atty. AINA PAGSIBIGAN ay nasa paglilingkod.   

 

            Bata pa si Atty. AINA ay kinakitaan na ng mga katangian ng isang pinuno.  Siya ay naging Pangulo ng Student Council ng Assumpta Academy, naging Department Representative sa College of Social Science and Philosophy (CSSP) Student Council sa Unibersidad ng Pilipinas (UP)-Diliman, at habang nag-aaral ng abogasya sa San Sebastian College-Recoletos ay naging Pangulo ng isang Sorority sa nasabing paaralan. 

 

            Ngunit hindi lamang sa paaralan naging aktibo si Atty. AINA. Si Atty. AINA ang kauna-unahang Tagapangulo ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Matungao at Pangalawang Pangulo ng Pambayang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan.  Sa ilalim ng kanyang pamumuno, nagsagawa siya ng iba’t ibang proyektong pangkabataan kung kaya tinanghal siya na “Outstanding Chairperson” para sa Unang Distrito ng Lalawigan ng Bulakan.

 

            Naging Pangulo din ng Rotary Club of Bulacan, Bulacan noong taong 2019-2020, Pangulo din Assumpta Academy Alumni Association, at naging aktibo din sa Simbahan ng maging Hermandad noong 2018-2023.

           

            Si Atty. AINA ay nagkaroon din ng malawak na karanasan sa pamamahala.  Siya ay  naging Kagawad ng Barangay Matungao, ngunit hindi pa niya natatapos ang kanyang termino, kinuha na siya para maglingkod sa Pamahalaang Bayan.  Nagbigay karangalan  siya sa Sangguniang Bayan ng siya ay tanghaling “Best Secretary to the Sangguniang Bayan” – 3rd Place.  Pagkaraan noon, siya ay naging Municipal Administrator sa panahon ng paglilingkod ni Mayor Mary Villegas.

 

            At ngayon, bilang halal na Konsehal ng Bayan, nagpatuloy si Atty. AINA PAGSIBIGAN sa kanyang paglilingkod sa Bayang Bulakan bilang Tagapangulo ng Lupon ng Agrikultura at Pangisdaan, Lupon ng Hustisya, Lupon ng Karapatang Pantao, at Lupon ng Kababaihan, Kabataan, Persons With Disabilities (PWD), at Social Welfare and Development.  Kasapi din siya ng iba’t iba pang Lupon sa Konseho.

 

            Sandata ang KARUNUNGAN at ang KARANASAN, nakapag-akda si Atty. AINA PAGSIBIGAN ng mga mga batas na makabuluhan, napapanahon at nakatuon sa kapakanan ng kanyang mga kababayan.  Ilan sa kanyang mga iniakdang batas ay: 

 

“BOTIKA NG BAYAN”

(Kautusang Bayan Blg. 2022-334)

Libreng gamot para sa mamayan ng Bulakan

 

“THE 2023 FISHERIES CODE”

(Kautusang Bayan Blg. 2023-375)

Nagpatibay sa pagkilala sa mga karapatan ng mga mangingisda

at pangangalaga sa yamang dagat at kalikasan

 

“THE CHILDREN’S CODE”

(Kautusang Bayan Blg. 2022-322)

Nagpatibay sa pagkilala sa mga karapatan ng bata at kabataan

 

“THE SENIOR CITIZEN’S CODE”

(Kautusang Bayan Blg. 2023-373)

Nagpatibay sa pagkilala sa mga karapatan ng mga senior citizens

at pagbibigay pagkilala sa kanilang kahalagahan sa pamamagitan

ng “Road to 100” provisions ng nasabing batas

 

“ORDINANCE ON MENTAL HEALTH OF 2022”            

(Kautusang Bayan Blg. 2022-326)

 

"ORDINANCE ADOPTING THE SPECIAL PROTECTION OF CHILDREN AGAINST CHILD ABUSE, EXPLOITATION AND DISCRIMINATION ACT"

(Kautusang Bayan Blg. 2022-329)

Coun. Christopher Aron C. Del Rosario

Municipal Councilor

Nagmula sa kilalang pamilya ng mga Del Rosario sa Bagumbayan Bulakan, Bulacan. Ipinanganak siya noong May 24, 1988 sa San Juan City, Manila. Ang kanyang Ama na si Igg. Leandro “Andrew” L. Del Rosario ay dating naging Konsehal ng Bayan at ngayon ay nanunungkulan bilang Punong Barangay ng Bagumbayan at ang kanyang Ina ay si Gng. Evelyn C. Del Rosario.

 

Nakapangasawa at nabiyayaan ng dalawang anak; ang maybahay ni Konsehal Aron ay si Mary Jean Sitjar at mga anak ay sina Arrick Xanthi at Orion Zavier.

 

Mula mababa hanggang mataas na paaralan siya ay nag-aral sa Holy Spirit Academy of Malolos. Siya ay nakapagtapos ng kolehiyo sa Unibersidad ng Sto. Tomas sa kursong Bachelor of Science in Computer Science at nagpatuloy ng Graduate Studies sa Informatics International College.

 

Si Konsehal Aron ay nanunungkulan ngayon sa ikatlong termino niya bilang isang Konsehal sa Bayan ng Bulakan Bulacan at patuloy na naglilingkod sa mga mamamayan ng Bulakan Bulacan.

 

Sa kasalukuyan si Konsehal Aron ay Tagapangulo ng Komite ng Finance, Budget and Appropriation, Komite ng Peace and Order and Public Safety, Disaster Control and Mitigation at Komite ng Local Economic Enterprise and Development, Market and Slaughter House, Cementery, Trade and Industry.

 

Narito ang mga Ordinansa na kaniyang naipasa sa kaniyang panunungkulan:

 

Municipal Ordinance No. 2023-379

“Kautusang Nagtatakda ng mga Patakaran sa Paggamit at Pagtitinda ng Paputok o “Firecrackers” sa Bayan ng Bulakan”

 

Municipal Ordinance No. 2023-320

“An Ordinance Amending the Municipal Ordinance No. 04-99, Series of 2004. Otherwise known as Market Code of the Municipality of Bulakan”

 

Municipal Ordinance No. 333-2022

“An Ordinance Amending Ordinance No. 18-253 The Bulakan Municipal Investment Incentives Code of 2018”

 

Municipal Ordinance No. 2022-316

“An Ordinance Institutionalizing the Guidelines for the Conferment of the Athletes Incentives for the Municipality of Bulakan”

 

Municipal Ordinance No. 2022-315

“An Ordinance Creating the Bulakan Physical Fitness and Sports Development Council and Appropriating Funds Therefor”

 

Municipal Ordinance No. 2022-314

 “An Ordinance Establishing the Policies and Guidelines in the Implementation of Awards for Children and Youth Excellence Program (ACYEP)”

 

Municipal Ordinance No. 2020-280

“An Ordinance Governing Joint Ventures Between Municipality Of Bulakan And Private Sector Partners, Providing For The Procedures For Identifying Joint Venture Projects And Selecting Joint Venture Partners, Instituting Accountability Mechanisms, And Other Purposes”

 

Municipal Ordinance No. 18-253

“The Bulakan Municipal Investment Incentives Code of 2018”

Kons Aron Del Rosario.JPG
Kons Ronald Cruz.jpg

Coun. Aron Ronald R. Cruz

Municipal Councilor

Siya ay pinanganak sa siyudad ng Malolos, Bulacan noong Oktubre 27, 1996. Siya ay kasalukuyang naninirahan sa Barangay Matungao. Ang kaniyang mga magulang ay sina Ronald C. Cruz at Annalyn H. Rivera, siya ay pangatlo sa apat na magkakapatid.

​

Ang kaniyang may bahay ay si Gng. Angelyn P. Cruz, at sila ay nabiyayaan ng 2 anak at ito ay sina Alexander James P. Cruz at Alexandria P. Cruz.

​

Siya ay nag-aral ng elementarya at sekundarya sa St. Paul College of Bocaue, at kasalukuyang siya ay kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Business Administration Major in Human Resources Development sa La Consolacion University of the Philippines, City of Malolos, Bulacan.

​

Siya ay nanungkulan bilang SK chairman ng Barangay Matungao at SK Federation President ng Bayan ng Bulakan, mula taong 2018 hanggang 2022.

​

Siya ngayon ay kasalukuyang nanunungkulan bilang Konsehal ng Bayan ng Bulakan sa kaniyang unang termino.

Siya din ay nahalal bilang Assistant Treasurer ng National Movement of Young Legislator (NYML) Bulacan Chapter, at isa ring aktibong miyembro ng The Fraternal Order of Eagles (Philippines Eagles) Aerial Voyager Chapter.

Coun. Bienvenido "Benjo" M. Cruz

Municipal Councilor

Si Konsehal BIENVENIDO “BENJO” MARCELO CRUZ JR. ay ipinanganak noong ika – 22 ng Disyembre taong 1977 sa Nayon ng Bambang Bayan ng Bulakan, Bulacan. Anak ng dating Kagawad ng Barangay Bambang na si BIENVENIDO SAKAY CRUZ SR. at may bahay na si ANGELITA MARCELO CRUZ.

​

Siya ay nakapagtapos ng Elementarya sa Mababang Paaralan ng Bambang, Sekondarya naman sa Assumpta Academy at Kolehiyo naman sa Pamantasan ng Silangan na may mataas na degree sa kursong Batsilyer ng Agham at Pangangasiwa ng Negosyo Major sa Pagbabangko at Pananalapi. Pagkaraan matapos ang pag aaral sa Pamantasan ng Silangan ay nag aral muli at nakapagtapos rin sa Pamantasa ng Birhen ng Fatima sa kursong Batsilyer ng Agham sa Nursing.

 

Kilala natin si Konsehal Benjo bilang isa sa masipag na Lingkod Bayan ng ating Dakilang Bayan ng Bulakan. Kaya’t narito ang mga Samahang Pansibiko at Panlipunan na kanyang kinabibilangan.

​

  • BULACAN CHAMBERS OF COMMERCE & INDUSTRY (BOARD OF TRUSTEE) 2018 – 2023

  • BULACAN COUNCIL FOR CULTURE AND THE ARTS (BOARD OF DIRECTOR & TREASURER) 2019 – 2023

  • KNIGHTS OF COLUMBUS 8677 (PROGRAM DIRECTOR) 2022 – 2023

  • MASTERS CHOIR (MEMBER)

  • ROTARY CLUB OF BULAKAN DISTRICT 3700 (SERVICE DIRECTOR) 2023 – 2024

  • KABESERA INC. SAMAHANG KALINANGAN NG BULAKAN (MEMBER) 2021 -  PRESENT

  • ALPHA KAPPA RHO (MEMBER) 2021 – PRESENT

  • DEL PILAR PRODUCTION (PRODUCER) 2022 - PRESENT

  • SOLID AND INDEPENDENT LGBT OF BULAKAN (MEMBER) 2021 – PRESENT

 

Narito naman ang mga karangalan na natanggap ni Konsehal Benjo sa iba’t ibang larangan.

​

  • GINTONG KABATAAN ENTREPRENEUR 2011 (GIVEN BY THE PROVINCIAL GOVERNMENT OF BULAKAN)

  • BULACAN MOST OUTSTANDING BUSINESSMAN 2018 (GIVEN BY BULACAN CHAMBERS OF COMMERCE AND INDUSTRY)

  • INJAP SIA MOST OUTSTANDING YOUNG BUSINESSMAN IN THE PHILIPPINES 2019 (GIVEN BY PHILIPPINE CHAMBERS OF COMMERCE AND INDUSTRY)

 

Si Konsehal Benjo ay ang may ari ng Pambansang Lugaw ng Pilipinas BMCJR LUGAW REPUBLIC. Itong Food Cart Business niya ay 18 na taon ng nagluluto ng mainit at masarap na lugaw at ito ang nagbibigay ng hanap buhay sa kanyang mga tauhan. Karaniwang makikita ang BMCJR LUGAW REPUBLIC sa iba’t ibang malalaking establisyemento at malalaking pamilihan sa buong Pilipinas.

 

Ngayon siya ay kasalukuyang Konsehal ng Bayan ng Bulakan at Taga- Pangulo sa Komite ng Edukasyon at Kooperatiba.

 

Mga Kapatid! Ang Konsehal ng Masa ang ating KAPATID, Konsehal Bienvenido “BENJO” M. Cruz Jr.

Kons Benjo Cruz.png
Kons Tony Lava.jpg

Coun. Jose Antonio "Tony" V. Lava

Municipal Councilor

Si Jose Antonio V. Lava ay isinilang sa Bayan ng Bulakan, Bulacan at anak ng dating Lingkod Bayan na sina Igg. Jose "Baby" Lava dating Pangalawang Punong Bayan at naging Bokal ng Unang Distrito ng Lalawigan ng Bulacan at si Igg. Rosalie "Ining" Lava na dating konsehal ng Bayan at naging Pangalawang Punong Bayan ng Bulakan, Bulacan. Sinimulan ni Tony ang kanyang karera sa pulitika bilang isang Barangay Kagawad mula 2002-2007, Nagpatuloy siya bilang Punong Barangay ng Tibig, Bulakan, Bulacan mula 2007-2016. At mula 2013-2016 kasabay niyang ginampanan ang kanyang tungkulin bilang Pangalawang Pangulo ng Liga ng mga Punong Barangay (Bulakan Chapter). Sa tulong ng Angat Buhay Movement, LPGMA at SIBAC Partylist pinangunahan niya ang pagbibigay tulong sa kanyang mga nasasakupan noong panahon ng Pandemya. Si Kons. Tony ay kilala bilang dedikadong Lingkod Bayan na Tapat, Masipag, at may mabuting Pamamahala.

​

Ang dedikasyon ng kanilang Pamilya pagdating sa Kahusayan ang nagtulak sa kanya upang higit na maging mahusay sa larangang kanyang pinili. Ang serbisyong pampubliko sa kasalukuyan, siya ay nagsisilbi para sa kanyang huling termino bilang Konsehal ng Bayan ng Bulakan, Bulacan mula taong 2016-2025.

Coun. Rchie San Jose

Municipal Councilor

Si Konsehal Archie San Jose ay anak ng Bulakan. Mula sa angkan na nagmula sa Perez, Bambang at Taliptip na kung saan siya ay isinilang, nagkaisip at naninirahan hanggang sa kasalukuyan.

​

Nagtapos ng kursong BSHRM at naging Front Desk Supervisor sa mga premyadong hotels sa bansa tulad ng Conrad Hotel, Makati Shangri-La at Intercontinental Hotel.

 

Kasalukuyang nanunungkulan bilang Konsehal ng Bayan at pinamumunuan ang Komite ng Health and Nutrition, Komite ng Environmental Protection at Komite ng Labor and Employment.

Nag-akda ng mga kapakipakinabang na ordinansang direktang makakatulong sa mga mamamayan ng Bulakan. Ito ay ang –

 

1.  Municipal Ordiance No. 2023 - 371 - Septage Ordinance na magiging daan para mabawasan ang singil sa tubig

​

2.  Municipal Ordinance No. 331 - 2022 - Environmental Code na magiging gabay sa pangkalahatang pamamahala ng kalikasan

​

3. Municipal Ordinance No. 2022 - 335 - Lactation Station Ordinance na nagbibigay kahalagahan sa kapakanan ng mga nagpapasususong ina kahit nasa kanilang mga trabaho.

​

 4.  Municipal Ordinance No. 2022 - 338 - DRRM-H na magiging gabay sa panahon ng sakuna

​

Bago naging Konsehal ay nanungkulan din bilang Kagawad ng Barangay Taliptip nuong taong 2018.  Siya ang isa sa mga naging instrumento upang maging maayos ang sistema at pamamalakad sa Sangguniang Barangay ng Taliptip sa pamamagitan ng Aktibong pagtugon sa pangangailangan ng kanyang mga kabarangay at ang pinangunahang komite, ang Health and Nutrition Committee.

Patuloy na nagbibigay ng mga tulong medikal sa mga nangangailangan dito sa ating Bayan ng Bulakan at ang kanyang adhikain ay patuloy na mapaglingkuran ang ating mga kababayan gamit ang kanyang karanasan at dedikasyon na may tamang Aksyon at Solusyon.

Coun. Rchie San Jose (1).jpg
ABC Mario Bernardino.jpg

Capt. Mario S. Bernardino

ASSOCIATION OF BARANGAY CAPTAINS, PRESIDENT

Isang Punong Barangay na nagmula sa pamilyang tubong Balubad, Bulakan, Bulacan. Si ABC Pres. Mario S. Bernardino ay nag-umpisang maglingkod sa barangay bilang Barangay Kagawad noong taoong 1994-1997 at nang dahil sa kanyang pagmamahal sa kanyang barangay ay muling tumakbo at nahalal bilang Punong Barangay noong taong 1997 hanggang sa kasalukuyan.

 

Sa ilalim ng kanyang panunungkulan ay marami siyang naisagawang matagumpay at kapaki-pakinabang na proyekto gaya na lang nang pagpapakabit ng street lights kung saan ang Barangay Balubad ang kauna-unahang nakapagpakabit nito sa ating bayan. Pagbibigay ng libreng gamot sa kanyang mga ka-barangay, pagbibigay ng libreng gamit eskwela sa lahat ng mag- aaral mula Day Care hanggang Elementarya, gayundin ang pagbibigay ng iskolar at cash gift sa lahat ng mga mag-aaral na nagtapos ng may karangalan sa Paaralang Elementarya ng Balubad. Isa din sa kanyang naisagawa ay ang patuloy na pagsugpo at pagtataguyod ng mga Proyektong Kontra-Droga. Higit sa lahat ay ang walang sawa niyang pagbibigay suporta sa kanyang mga ka-barangay noong panahon ng pandemya sa pamamagitan ng pagbibigay ng relief goods at pagbabantay 24/7 sa kanyang mga ka-barangay tuwing panahon ng kalamidad.

SK Shaine Trisha C. Baltazar

Sangguniang Kabataan Federation, President

Mula sa simpleng pamilya, si Shaine Trisha C. Baltazar ay mulat na sa paglilingkod at pagtulong sa kapwa noon pa man. Sa labing walong taong pag-aaral, nahubog ang kaniyang kahusayan sa pamumuno sa pamamagitan ng pagiging lider-estudyante.

 

Nagtapos ng primarya sa Paaralang Elementarya ng Tabang bilang Unang Karangalang Banggit, Mataas na Paaralan ng San Francisco Xavier sa sekondarya nang May Karangalan, at Bulacan State University Main Campus kung saan nabigyan ng parangal bilang Magna Cum Laude sa kursong Batsilyer ng Agham sa Pangangasiwang Pang-turismo.

 

Wala pa man sa posisyon, aktibo na si Shaine sa pagtulong sa kapwa. Sa panahon ng pandemic, nakiisa siya sa pagbibigay ayuda sa mga kababayang bulakenyo. Bilang isang karaniwang kabataang may pangarap at pagmamahal sa bayan, sinubukan niyang pasukin ang politika.  Sa unang pagkakataon, nagwagi siya bilang SK Chairperson at ngayo’y Pangulo ng Pederasyon.

SK Fed Shaine Trisha Baltazar.jpg

Contact Us

Thanks for submitting!

Municipality of Bulakan, Bulacan, Philippines

Copyright © 2022

bottom of page